Kandidatong chairman, nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang beteranong barangay kagawad na sinasabing kandidato sa pagka-barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa Sitio San Jose, bayan ng Claveria­, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Kagawad Percival Rapsing ng Barangay Peñafrancia sa nasabing bayan. Sa police report, lumilitaw na papauwi na ang biktima mula sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Barangay San Isidro lulan ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng mga armadong lalaki pagsapit sa nasabing lugar. Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang pagkaka­patay sa biktima dahil inanunsyo nito na kakandito siya sa nalalapit na barangay eleksyon sa Oktubre.

 

 

Show comments