PNoy nakiramay sa burol nina Rama at Meneses
BULACAN , Philippines— Naibsan ang dalamhati ng pamilya ng sundalong napatay sa bakbakan sa Zamboanga City kung saan napalitan ng kagalakan at karangalan sa pagdalaw ni Pangulo Benigno “Noynoy†Aquino III kahapon ng umaga sa bayan ng Pulilan, Bulacan.
Umabot sa 20 minutong pakikiramay ng Pangulo sa burol ni 1Lt. Florencio Mikael Meneses kung saan personal na iniabot ng Pangulo ang P250,000 tulong pinansiyal sa magulang nito, bukod sa pangakong tulong pangkabuhayan at pagpapaaral sa kasintahan ni Meneses.
Una rito, dumalaw din sa burol ni 1Lt. Christopher Rama sa Barangay FVR sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga ang Pangulo bago tuluyang magtungo sa bayang ito.
“Ikinararangal ka naÂming anak, binigyan mo kami ngayon ng karangalan kahit ikaw ay pumanaw na,†lumuluhang pahayag ni Regina Meneses.
Si 1Lt Meneses ay bunso sa apat na magkakapatid at isa sa limang kabataang Bulakenyo na nagtapos sa Philippine Military Academy noong 2011.
Base sa tala ng militar, si Meneses ay napatay ng sniper sa Zamboanga City habang hinahabol ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front.
Noong Lunes ng madaling-araw ay sinalubong siya ni kamatayan at noong Martes ay iniuwi ang kanyang bangkay sa Barangay Tibagsa nasabing bayan kung saan ihahatid sa huling hantungan sa Sabado (SetÂ. 29)
- Latest