NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang pamamaslang sa dalawang barangay chairmen sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Zamboanga del Sur at North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Si Chairman Tanat Salama na nakatira sa bayan ng Banisilan ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Kitub sa bayan ng Alamada, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.
Samantala, si Chairman Isidro Moreno Oranda ng Barangay New Basak ay niratrat naman ng dalawang di-kilalang lalaki sa burol ng isa sa kanyang kababayang si Germina Marcelian sa Barangay San Pablo sa bayan ng Dumingag sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Gayon pa man, Ilang minuto ang nakalipas ay pansamantalang tinungo ng 56-anyos na biktima ang likuran ng bahay ng pamilya Marcelian upang umihi kung saan tiyempuhan namang siyang lapitan at pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki bago tumakas lulan ng motorsiklo.