BAGUIO CITY, Philippines – Umaabot sa P125 milÂyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa Ilocos Norte matapos manalasa ang Bagyong Odette sa ilang bahagi ng rehiyon sa bansa.
The pinakahuling ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), sa kabuuang P125 milyong halaga na napinsala, aabot sa P39 milyong halaga sa pananim ang nawasak kabilang na ang palayan, paÂlaisdaan, maisan, at mga alagang hayop habang nasa P85 milyong halaga naman ang napinsala sa mga pagawaing kalsada, at tulay.
Ayon kay Pedro Agcaoili Jr., hepe ang administration unit ng PDRRMC, ang napaulat na milyong halaga ng ari-ariang napinsala ay subject pa rin sa validation..
Kasunod nito, isinailalim na sa state of calamity ang nasabing lalawigan matapos manalasa ang Bagyong Odette kung saan aabot sa 14 na bayan at isang lungsod na may 83 barangay ang apektado.
Namahagi na rin ng relief goods ang provincial government sa mga residenteng apektado ni Odette.