2 nalunod, natagpuan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Natagpuan na ang bangkay ng dalawa sa apat kataong nalunod  matapos na lumubog ang isang cargo boat sa baybayin ng Dingalan, Aurora sanhi ng masungit na panahong dulot ng bagyong Odette kamaka­lawa.
 Kinilala ni  Inspector Ferdinand Usita, hepe ng pulisya ng  Dingalan ang natagpuang mga  bangkay nina Alejandro Abalos, 50 at April Kim Manuel 20, samantalang pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard sina Elenita Abalos, 52; at anak nitong si Suzette 28-anyos.


 

Show comments