Bus explosion, diversionary tactics ng rouge MNLF
MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang posibilidad na bahagi ng ‘diverÂsionary tactics’ ng rogue Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagsabog ng isang bus na kumitil ng buhay ng 3 katao habang isa pa ang nasugatan sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Meliton Orquijo, 57 anyos, konduktor ng bus; Hudson Guinilac, 21 at Alison Saavedra, 19; kapwa bus washer.Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang si Doming de Jesus, 63 anyos, driver ng D ‘Biel Transit bus na may body number 2871 na bumibiyahe sa Zamboanga City patungong Labuan.
Ayon kay Zambonga City Police Station 10 ComÂmander Inspector Chester Natividad, posibleng diversionary tactics ng rouge MNLF ang pagpapasabog sa bomba bunga ng gulo sa kanilang lungsod kung saan patuloy pa rin ang bakbakan ng naturang grupo at ng tropa ng pamahalaan.
Bandang alas-6 ng gabi kararating lamang ng nasaÂbing bus sa garahe nito sa terminal nang biglang sumaÂbog ang bomba na inilagay sa loob ng bag na inabandona sa ikatlong upuan mula sa puwesto ng driver ng bus sa unahang bahagi.Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang tatlong nasawi na agad binawian ng buhay sa insiÂdente, natanggalan ng bubong ang bus.
- Latest