13-anyos ni-rape ng lolo

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Isang lolo ang nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ng panggagahasa matapos na ipagharap ng reklamo ng sariling 13- anyos na apo sa Brgy. Eden, Cabarroguis, Quirino kamakalawa.

Kinilala ni Cagayan Valley Police Spokesman Supt. Fernando Cristobal ang suspek na si Apolinario Dionicio, 54, isang magsasaka sa nasabing lugar.

Kasama ang kanyang ina sa pulisya, sinabi ng biktima na huli siyang ginahasa ng sariling lolo nitong Setyembre 3, 2013. Dalawa lamang silang naiwan sa bahay kung saan ay binuhat siya sa kuwarto ng matanda at doon isinagawa ang makamundong pagnanasa.

Madalas umanong isinasagawa ng suspek ang panghahalay sa apo simula pa noong siya ay 11-anyos pa lamang.

 

Show comments