^

Probinsiya

Magpinsan inararo ng kotse, 4-anyos patay

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi matapos na mahagip ng isang rumaragasang kotse habang tumatawid kasama ang kanyang pinsang estudyante sa Trece-Tanza Road, Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City kamakalawa ng hapon.

Namatay noon din ang batang biktima na nakilalang si Princess Daina Gesolgon, ng Purok 6 Brgy. De Ocampo ng nasabing lunsod habang masuwerteng nakaligtas ang pinsan na si Wiljane Reyes, 12-anyos, ng nasabing lugar.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos na mabangga ang biktima lulan ang isang kulay asul na kotse na may plakang PTF-816.

Sa imbestigasyon ni PO1 Eugene Estrella Baird, alas-5:45 ng hapon habang magkahawak sa kamay ang magpinsan na tumatawid sa nasabing lugar nang biglang suyurin ng rumaragasang kotse.

Ang 4-anyos na biktima ay mabilis na tumilapon dahil sa tindi ng pagkakasalpok ng kotse at sa halip na tumigil ang driver upang saklolohan ang bata at dalhin sa ospital ay mabilis siyang  humarurot papatakas.

BRGY

DE OCAMPO

EUGENE ESTRELLA BAIRD

INAALAM

ISANG

NAMATAY

PRINCESS DAINA GESOLGON

TRECE MARTIREZ CITY

TRECE-TANZA ROAD

WILJANE REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with