66-anyos trader nilikida sa simbahan

BULACAN, Philippines - Hindi na iginalang ng dalawang lalaki na magkaangkas ng motor ang kasagraduhan ng simbahan matapos na pagbabarilin ang isang 66-anyos na negosyante habang  nagdarasal sa Brgy. San Agustin, Hagonoy, kagabi .

Nagawa pang isugod ang biktimang si Celestino Francisco, ng Brgy. San Agustin  sa Devine World Hospital ngunit tinanggihan ito sa hindi malamang dahilan saka dinala sa Perez Memorial District Hospital kung saan idineklarang patay.

Sa ulat ni PO2 Jayson Salvador, dakong alas-6:30 ng gabi ay lulan ang biktima ng pag-aaring traysikel na Kawasaki 125 (RB-7204 ) sa bahagi  ng Purok 7, Sitio Parong-Parong at nang pagsapit sa harap ng Simbahan ng Nazareno ay pansamantalang tumigil ito at saka nagdasal.

Dito na nilapitan ang biktima ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklong walang plaka saka pinaputukan ng backrider nito gamit ang 9mm na baril.

Matapos na bumulagta ang negosyante ay mabilis na tumakas ang mga suspek  patungo sa direksyon ng Brgy. San Agustin.  

 

Show comments