^

Probinsiya

2 pulis nagsuntukan sa prosesyon

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing makasuhan at masibak sa puwesto ang dalawang pulis na sinasabing kapwa lango sa alak makaraang nagsuntukan habang hinihintay ang pagda­ting ng imahe ni Mahal na Ina sa gaganaping prosesyon sa Naga City, Camarines Sur noong Biyernes.

Kinilala ang dalawa na sina PO2 Marcelino Resgonio at PO1 Expedito Francisco na kapwa nakatalaga sa Provincial Public Safety Company (PPSC).

Nabatid na kapwa nakasibilyan ang dalawang pulis kung saan nagkasuntukan sa harap mismo ng mga deboto na naghihintay ng prosesyon ni Nuestra Señora De Peñafrancia. 

Agad namang naawat ng mga kasamahang pulis ang dalawa.

 Dismayado naman ang mga deboto  sa kanilang nasaksihan sa halip na mangalaga sa katahimikan at kaayusan ng prosesyon ay ang dalawang pulis pa ang nag-umpisa ng kaguluhan.

 Inaasahan na mas dadagsain pa ng  mga deboto nina Mahal na Ina at El Divino Rostro ang  fluvial parade sa Naga River patungo sa Basilica Church sa Sabado.

vuukle comment

BASILICA CHURCH

CAMARINES SUR

DE PE

EL DIVINO ROSTRO

EXPEDITO FRANCISCO

INA

MARCELINO RESGONIO

NAGA CITY

NAGA RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with