‘Sinalvage’ sa sementeryo

CAVITE, Philippines  -  Isa na namang lalaki ang sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa pampublikong sementeryo kamakalawa ng umaga sa Brgy. Toclong 1A, Imus City Cavite. Sa ulat ni P02 Ernesto Dasalla, bandang alas-6 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima na sinasabing nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’5, naka-itim na t-shirt, itim na short at may mga tattoo sa buong katawan. Ibinalot din ng packaging tape ang mukha kung saan may tama ng bala ng baril sa ulo. May palatandaang pinahirapan muna ang biktima bago pinatay at itinapon sa nasabing lugar.

Show comments