Driver dedo sa nasunog na van

NUEVA ECIJA , Philippines – Hindi na nagising ang 37-anyos na driver matapos itong ma-trap at ma-suffocate sa nasusunog na van na nakaparada sa kahabaan ng Liwag Street, Barangay Mabini Homesite sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Linggo ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wilson Rodavia, may-asawa, tubong Candelaria, Quezon at stay-in driver ng G-Tycoon Logistics Corporation. Sa imbestigasyon, nabatid na bandang ala-1:45 ng madaling-araw nang masunog ang delivery van ng GTLC na may plakang RKE-636 kung saan natutulog ang biktima. Naapula naman ang apoy bandang alas-4:20 ng madaling-araw kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng van.

 

 

Show comments