Lady cop sugatan sa patrol car

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagpapasinaya ng patrol car ng pulisya matapos nitong aksidenteng magulungan ang isang babaeng pulis sa Barili, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si SPO1 Esteliore Canete, nabalian ng kanang hita bunga ng insidente, kasapi ng Barili Municipal Police Station.

Sa ulat ng Cebu Police, bandang alas-10 ng umaga habang sakay si PO2 Dan Villandar ng isa sa dalawang patrol car para sa test drive kaugnay ng pagbabasbas dito at sa isa pang Innova ng mangyari ang sakuna.

Kasalukuyan umanong paandarin ni Villandar ang makina ng  patrol car na hindi nito alam na nai-start na bunsod upang tuluy-tuloy nitong mabangga si Canete na nakatayo sa unahan ng behikulo.

Inilipat na sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VMMC)  ang nasabing pulis para malapatan ng lunas.

 

Show comments