Tinedyer dinedo sa sugalan

CAVITE, Philippines - Napaslang ang 19-anyos na tinedyer matapos itong saksakin ng barangay tanod habang nagkakara y cruz kamakalawa ng hapon sa Barangay Luzviminda  2, Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Reynaldo Dulay habang nakatakas naman ang suspek na si Arly Sales na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2  Ronelo Abas naaktuhan ng suspek na nagsusugal ang biktima kasama ang ilang kaibigan kaya sinita nito at pinatitigil. Subalit binalewala nito ang paninita ng suspek kaya naganap ang krimen.

Show comments