MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang tatlong Abu Sayyaf, 13 naman ang nasugatan habang limang sibilyan ang nawawala makaraang umatake ang nagsanib puwersa ng mga rebelde na sinagupa ng mga sundalo sa Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan kahapon ng umaga.
Sa phone interview, niÂlinaw ni Col. Carlito Galvez, commander ng Armys 104th Brigade at Task Force Basilan na isang miyembro ng Civilian VoÂlunteers Organization ang napatay at tatlo naman sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Kabilang naman sa mga sugatan ay ang dalawang CVO, at dalawang sundalo habang ang pito ay mula sa panig ng mga kalaban na nagsanib puwersang Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang dalawa pang naÂsugatang sibilyan ay iniulat naman ni Lamitan City Vice Mayor Rhoderick Furigay habang lima pa ang nawawala.
Sa twitter account ng AFP, ang insidente ay pinaniniwalaang spillover ng hostage crisis sa pag-atake ng MNLF sa ilang barangay sa Zamboanga City na nasa ikaapat na araw na kahapon.
Samantala, kinilala ang mga nasugatang sundalo na sina Pfc. Ruel Martinez at Pfc. Wilvan Caro na kapwa miyembro ng 3rd Special Forces Battalion (SFB), ang dalawa pa ay mga sibilyan.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan na bandang alas-9:30 ng umaÂga nang umatake ang mga bandidong Abu Sayyaf na pinamunuan nina Abu Sayyaf Commander Furuji Indama at Isnilon Hapilon habang sa MNLF ay sina Commander Basir Kasaran at Nurhassan Jamiri.
Agad na rumesponde ang tropa ng militar kaya sumiklab ang bakbakan na ikinasugat ng tatlong sundalo.
Gayon pa man, kinumpirma ni Lamitan City Vice Mayor Rhoderic Furigay na mga miyembro ng MiÂsuari breakaway group ang umatake sa kanilang lugar.
Nagkaroon din ng sunog sa nasabing lugar na ang karamihang residente ay mga Kristiyano habang patulÂoy naman ang operasÂyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar.