Cafgu dedo sa tandem

NORTH COTABATO, Philippines  – Pinabulagta ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Barangay Poblacion, bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Roly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Aquilino Nicor, asawa ng head teacher ng Malabatwan Elementary School at nakatira sa nabanggit na barangay.  Tumakas ang gunmen tangay ang belt bag na naglalaman ng baril na pag-aari ng biktima. Narekober sa crime scene ang 8-basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Show comments