^

Probinsiya

Hepe ng BFP sa Region V, nalunod

Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Region V matapos itong malunod sa karagatan ng  Legazpi Boulevard sa Barangay Puro, Legazpi City, Albay kama­kalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame,  bandang alas-4:30 ng hapon nang marekober  ang bangkay ng biktimang si P/Senior Supt. Leonardo Prades Jr., 55, ng Naga City, Camarines Sur.

Nabatid na natanawan ang palutang-lutang na bangkay ni Prades habang nagsasagawa ng physical fitness ang pangkat ng Phil. Coast Guard sa pamumuno ni Petty Officer Enrique Caneta sa Victory Village.

Agad namang ini­report ang insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung saan rumesponde ang pangkat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pamumuno ni P/Senior Inspector Wilfredo Pabustan Jr.

Lumilitaw naman sa pagsusuri na ang biktima ay nasawi sa pagkalunod at walang nakitang foul play.

Pinaniniwalaang inatake sa puso si Prades habang  nag-snorkling sa dagat.

Napag-alaman pa na madalas na nakikitang lumalangoy ang biktima at nagbibisikleta araw-araw bilang exercise nito sa ­umaga.

BARANGAY PURO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

COAST GUARD

LEGAZPI BOULEVARD

LEGAZPI CITY

LEONARDO PRADES JR.

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with