CAVITE, Philippines - Dalawa-katao na naman ang sinalvage saka itinapon sa magkahiwalay na barangay sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga. Ayon kay PO1 Elmer Belaro, unang natagpuan ang bangkay ng di-kilalang lalaki sa Barangay Salawag sa Malalim Bridge sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue. Nakasuot ng dilaw na t-shirt at checkered short kung saan iginapos at nilagyan ng packaging tape ang mukha. Samantala, natagpuan naman ang ikalawang bangkay ang lalaki sa bahagi ng Governor’s Drive sa Barangay Sampaloc 4. Nakasuot naman ito ng pulang t-shirt at puting stripe short kung saan nakagapos din ng packaging tape. Kapwa may mga tama ng bala sa ulo ang dalawa na pinaniniwalaang pinatay sa ibang bayan saka itinapon sa nasabing lugar.