Pawnshop hinoldap ng sekyu

CAVITE , Philippines– Malaking halaga ang natangay ng security guard matapos nitong holdapin ang mismong pawnshop na kanyang binabantayan sa Gov. Ferrer Avenue, Barangay Manggahan sa bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw. Tugis na ng pulisya ang suspek na si Joel Fidel, 35, ng Barangay Calumpang Cerca sa bayan ng Indang, Cavite kung saan tangay nito ang cal.9mm pistol  na pag-aari ng Blessed Security Agency, Inc. Nabatid na binabantayan ng suspek ang pawnshop na 24-oras ang operasyon  nang lapitan nito at tutukan ng baril ang kahera na si Mercilyn Sango kung saan nagdeklara ng holdap. Iginapos ang kahera saka kinuha sa drawer ang P 80,000 na koleksyon ng pawnshop.

 

Show comments