Kalaguyo ng misis tinodas ni mister

MANILA, Philippines - Napaslang ang 20-an­yos na kalaguyo ng misis matapos itong pagsasaksakin ng mister na sinasabing naaktuhan ang dalawa sa pagtatalik sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 8 Obrero sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Alemar Dayan-Dayan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Junel Mandahunog na kapwa nakatira sa nasabing lungsod.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, umuwi ng maaga ang suspek upang sorpresahin ang kaniyang misis na itinago sa pangalang Loida.

Gayon pa man, nasorpresa ang suspek matapos dahan-dahang pumasok sa kanilang bahay ay marinig ang mga ungol ng misis kung saan sumilip siya sa siwang ng dingding ay naaktuhang nagtatalik ang magkalaguyo.

Pansamantalang pinigil ng suspek ang matinding panibugho kung saan nagtago muna ito sa labas ng kanilang bahay at hinintay na makatulog ang dalawa.

Nang makatulog na ang magkalaguyo ay dito na pumasok sa loob ng kanilang silid ang galit na mister at sunud-sunod na saksak ang biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa MJ Santos Hospital ay na­bigong maisalba ang buhay.

 

Show comments