Mag-utol na Sayyaf kidnapper timbog

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga opera­tiba ng militar ang magkapatid na pinaghihinalaang miyembro ng ekstremistang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pansul, Patikul, Sulu kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre ang mga nasakoteng suspek na sina Salih Madjam alas Undag Dami at kapatid nitong si Kinang Madjam alyas Tinnam Dami. 

Bandang alas-6:30 ng umaga ng masakote ang mga suspek ng mga elemento ng 11th Special Operations Platoon ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)  11 sa pamumuno ni 2nd Lieutenant Michael Loon sa Brgy. Pansul, Patikul  ng lalawigang ito.

 Ayon kay Cenabre nagsasagawa ng law enforcement operations ang kaniyang mga tauhan sa balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Patikul na nagresulta sa pagkakabitag ng magkapatid na kidnapper.Nasamsam mula sa mga ito ang isang unit ng garand rifle na may sampung cartridge ng mga bala.

Sinabi ni Cenabre na ang magkapatid ay positibong kinilala ng mga residente sa lugar na mga tauhan ni ASG SubCommander Juhurim Hussien na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom at pananambang sa security forces.

 

Show comments