2 nagbigti sa selos at kahirapan

CAVITE, Philippines - Pinaniniwalaang selos at kahirapan ang motibo kaya nagbigti ang dalawang sibilyan sa naganap na magkahiwalay na suicide sa lalawigan ng Cavite kahapon at kamakalawa. Unang nag-suicide ang 37-anyos na mekanikong si Enicito Lambial matapos dumapo ang matinding selos laban sa kanyang ka-live-in na si Janet Nolasco  sa Barangay Banaba Cerca sa bayan ng Indang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Samantala, si Mark Gil Anarna, 27, ng Barangay Tubuna Uno, Silang Cavite ay nagbigti rin sa kanilang bahay dahil sa matinding kahirapan matapos itong hiwalayan ng kanyang misis dahil sa sinasabing kawalan ng trabaho.

Show comments