Mediaman patay sa ambush

MANILA, Philippines - Isa na namang mama­mahayag ang napatay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni Oriental Mindoro PNP director P/Senior Supt. Ronaldo de Jesus ang biktima na si Vergel Bico, 40, mamamahayag  ng lokal na pahayagang  Kalahi.

Base sa imbestigas­yon, naganap ang pamamaslang sa Block 4, Brgy. Pachoca pasado alas-4 ng hapon.

Kasalukuyang lulan ng kaniyang service motorcycle ang biktima mula sa Barangay Balite nang tambangan ng tandem pagsapit sa Barangay Pachoca.

Nagawa pang maisugod sa Maria Estrella Hospital pero idineklara patay ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments