Lolo dinedo dahil sa sagingan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa plantasyon ng saging kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 64-anyos na lolo ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Villa Cielo, bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni Cagayan Valley PNP spokesman P/Supt. Fernando Cristobal ang biktima na si Paulino Burgos. Base sa police report, natagpuan ng anak na si Rexiel Burgos ang duguang katawan ng kanyang ama na nakabulagta sa nasabing plantasyon. Huling namataang buhay ang biktima na nag­lalakad patungong sagingan na may limang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Show comments