MANILA, Philippines - Nahuli ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay chairman na umano’y drug pusher at kasama nito sa isinagawang drug buy-bust operation sa Cagayan kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Barangay Chairman Boby Jacobe, 38 anyos ng Zone 3, Dalla, Baggao, Cagayan at isang Edgardo Layaoen, 55 ng Tallang, Baggao, Cagayan.
Bandang alas-6 ng Âumaga nang masorpresa sina Jacobe at Layaoen sa isinagawang operasyon ng PDEA Regional Office 2 (PDEA-RO2) Special Enforcement Team sa Brgy. Dalla, Baggao sa panguÂnguna ng umaktong poseur buyer na si Director Juvenal Azurin.
Nasamsam mula sa tahanan ni Barangay Chairman Jacobe ang isang transparent sachet na naglalaman ng shabu at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon laban sa mga suspek.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasakoteng suspek.