Brodkaster itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Isa na namang brodkaster ang iniulat na naÂpatay matapos tambangan ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Barangay Buru-un, Iligan City, Lanao del Norte noong Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng pulisya na ipinarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Fernando “Nanding†Solijon, anchor ng Public Affairs Program “Sandiganan†ng dxLS Love Radio FM mula Lunes hanggang Biyernes simula alas-8 ng umaga.
Nabatid na inimbitahan lamang ng kaibigan ang biktima para sa hapunan at inuman sa Barangay Buru-un at habang patawid patungo sa nakaparada nitong sasakÂyan para pauwi ay biglang sumulpot at pinagbabaril ng riding-in-tandem gunmen.
Ang biktima ay nagtamo ng 13-tama ng bala sa ulo, tiyan at balikat.
Si Solijon na sinasabing kilalang masugid na supporter ni Iligan City Rep. Vicentre “Varf†Belmonte ay kilala rin sa pagbanat sa mga tiwaling pulitiko kung saan inere nito ang pagkakasangkot ng isang barangay chairman sa oÂperasyon ng droga.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, maraming beses na nakatanggap ng death threat ang biktima bago pa man ang campaign period noong May 2013 midterm elections.
Kaugnay nito, kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Iligan City-Lanao Chapter ang pagpatay kay Solijon habang bumuo na rin ang pulisya ng Task Force Nanding Solijon.
Sa tala ng NUJP, si Solijon ang ika-201 journalist na pinatay simula ng maibalik ang demokrasya sa bansa noong 1986 habang pang-19 naman si Solijon sa mga mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
- Latest