Lola ni-rape slay ng adik

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 56-anyos na babae matapos itong halayin ay binigti pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa droga bago inabandona sa gilid ng palaisdaan sa Sitio Pugad Ibon, Barangay Sta. Isabel sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi. Ayon kay P02 Plaridel Daprosa, bandang alas-6:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ni Emma Manangag sa nasabing lugar kung saan walang saplot sa ibabang babahagi ng katawan at binigti pa. Huling namataang buhay ang biktima na nasa loob ng pampublikong palikuran kung saan narinig ng ilang residente na may nagaganap na komosyon.

Show comments