KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines - Ipinagbawal ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala†Taliño Mendoza ang pagdadala ng backpacks sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City. Ipinahayag ni Mendoza na ang pag-ban ng backpacks sa loob ng Provincial Capitol Compound ay nagsimula na kahapon kasabay ng selebrasyon ng Kalivungan Festival 2013 at 99th founding Anniversary ng probinsiya. Magugunita na una nang ipinagbawal sa Davao City ang pagdadala ng backpacks kasabay ng kanilang selebrasyon sa Kadayawan 2013. Sa ngayon, may mga pagbabanta pa rin sa ilang lugar sa Mindanao matapos ang serye ng pambobomba noong nakalipas na linggo. Kaugnay nito, nagpalabas ng travel advisory ang Australia sa kanilang mga residente sa Central at Western Mindanao kabilang na ang Zamboanga Peninsula at Sulu matapos lumabas ang ulat na planong maglunsad ng pang-atake ang mga teroristang grupo.