^

Probinsiya

P5-M ari-arian ng DOH naabo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Tinatayang aabot P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang stock room ng Department of Health  (DOH) sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga. Ayon kay DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., kabilang sa mga tinupok ng apoy ay mga hospital equipment at mga gamot partikular na ang mga bakuna para sa dengue at malaria. Maging ang mosquito nets, hospital beds, talaan ng Philhealth beneficiaries at iba pang mahahalagang dokumento ay naabo.  Samantala, naagapan naman na masunog ang ikalawang palapag ng gusali kung saan nakatago ang iba pang hospital equipment na ipamimigay sa mga district hospital, rural health units at health centers.  Gayon pa man, sinabi ni City FireMarshall Adam Guiamad na naapula ang apoy bandang alauna ng hapon na nagsimula bandang alas-10 ng umaga.

ADAM GUIAMAD

AYON

COTABATO CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. KADIL SINOLINDING JR.

GAYON

MAGUINDANAO

PHILHEALTH

SAMANTALA

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with