BATANGAS , Philippines– Pinabulagta ang kapatid ni P/Supt. Hansel Marantan, isa sa pangunahing suspek sa Atimonan rub-out case matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Batangas provincial director P/Senior Supt. Jireh Omega Fidel ang biktima na si Ariel Marantan, 47, electrical engineer at residente ng Barangay Talaga sa nabanggit na bayan.
Ayon sa report, bandang alas-10:30 ng umaga habang nagkukumpuni sa taniman ng mga mangga ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo.
Sa salaysay ng mga saksi, pawang mga nakaÂsuot ng jacket at bonnet ang gunmen.
Idineklarang patay sa Batangas Provincial Hospital ang biktima dahil sa pitong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Si Ariel ay kapatid ni P/Supt Hansel Marantan na isinasangkot sa pagpatay ng 13-katao sa bayan ng Atimonan, Quezon rub-out case noong Enero 6, 2013.