BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang barangay kagawad ang iniulat na namatay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang kotse sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng gabi.
Sa naantalang ulat ni P/Supt. Gerson Bisayas, hepe ng Tanauan City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Ignacio Maunahan, 41, kagawad ng Barangay Santol; Rolando Contreras, 37; at Vicente Castillo, kapwa residente ng Barangay Malaking Pulo, Tanauan City.
Ayon sa report, pauwi na ang mga biktima mula sa pakikipag-inuman sa Barangay Malaking Pulo sakay ng Mitsubishi Lancer (PAP-136) nang maganap ang sakuna bandang alas-4:20 ng hapon noong Linggo
Gayon pa man, nadisÂkubre lang ang aksidente nang mapansin ng nakamotorsiklong si Ricky Maranan ang kotse sa may batuhang bahagi ng sapa sa may 15-metrong lalim na bangin bandang alas-10:30 ng umaga noong Lunes.
Agad na pinaalam ni Maranan kay Barangay Chairman Harizon Manglo kaya kaagad na ipinaabot sa TaÂnauan City PNP.
Pinaniniwalaang nawalan ng kontrol sa manibela si Castillo dahil sa kalasingan hanggang mahulog ang mga ito sa bangin sa pagitan ng tulay na nag-uugnay sa Barangay Malaking Pulo at Barangay Santol.