^

Probinsiya

Kotse hulog sa bangin: 3 tumba

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang barangay kagawad ang iniulat na namatay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang kotse sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng gabi.

Sa naantalang ulat ni P/Supt. Gerson Bisayas, hepe ng Tanauan City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Ignacio Maunahan, 41, kagawad ng Barangay Santol; Rolando Contreras, 37; at Vicente Castillo, kapwa residente ng Barangay Malaking Pulo, Tanauan City.

Ayon sa report, pauwi na ang mga biktima mula sa pakikipag-inuman sa Barangay Malaking Pulo sakay ng Mitsubishi Lancer (PAP-136) nang maganap ang sakuna bandang alas-4:20 ng hapon noong Linggo

Gayon pa man, nadis­kubre lang ang aksidente nang mapansin ng nakamotorsiklong si Ricky Maranan ang kotse sa may batuhang bahagi ng sapa sa may 15-metrong lalim na bangin bandang alas-10:30 ng umaga noong Lunes.

Agad na pinaalam ni Maranan kay Barangay Chairman Harizon Manglo kaya kaagad na ipinaabot  sa Ta­nauan City PNP.

Pinaniniwalaang nawalan ng kontrol sa manibela si Castillo dahil sa kalasingan hanggang mahulog ang mga ito sa bangin sa pagitan ng tulay na nag-uugnay sa Barangay Malaking Pulo at Barangay Santol.

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN HARIZON MANGLO

BARANGAY MALAKING PULO

BARANGAY SANTOL

GERSON BISAYAS

IGNACIO MAUNAHAN

LINGGO

MITSUBISHI LANCER

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with