3 estudyante ng AUP natagpuang patay

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Tatlong estud­yante ng Adventist University of the Philippines ang natagpuang patay kahapon ng umaga matapos malunod at mapadpad sa San Cristobal Lake sa Barangay Looc, Calamba City, Laguna noong Linggo

Ayon kay Laguna PNP director  P/Senior Supt. Pascual Muñoz, kinilala ang mga biktima na sina Kimberly Kardias, 19; Katherine Taroquin, 21; at si lfey Sa­beron, 16, pawang nanunuluyan sa AUP Dormitory sa bayan ng Silang, Cavite

Positibo namang kinilala ni Rogelio Barit, assistant security supervisor ng AUP ang dalawa sa tatlong nawawala nilang estudyante  sa camping site sa Silang, Cavite noong Agosto 25.

Samantala, si Saberon ay positibo namang kinilala ng kasama nito sa AUP dormitory na  si Jay Millapis.

Nabatid na ang mga biktima ay kasama sa grupo ng mga estudyante na nagkakasayahan sa camping sa ilog nang biglang tumaas ang tubig at tangayin ang mga ito ng malakas na agos.

Ayon sa ulat, ang mga bangkay Kardias at Taroquin ay natagpuan ng mangingisdang si Ernesto Manguilat sa nasabing lawa bandang alas-9 ng umaga habang si Saberon ay na­tagpuan habang inaanod ng malakas na agos sa San Cristobal River, Barangay San Cristobal dakong alas-10:30 ng umaga.

Nakipag-ugnayan na ang Calamba City PNP sa Silang PNP kaugnay ng pagkakatagpo sa tatlong nalunod na estudyante.

 

Show comments