TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang may bahid ng pulitika ang pamamaslang sa dating barangay chairman na kakandidatong muli sa darating na halalan sa Oktubre matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Caraitan sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni P/Senior Insp. Leo Tolentino, hepe ng Badoc PNP ang biktima na si Amor Taclay ng Barangay Turod sa nasabing bayan.
 Nabatid na pauwi na ang biktima kasama ang kanyang misis lulan ng kotse mula sa kanilang tindahan ng mga spare parts nang ratratin ng gunmen. Nahagip ng ligaw na bala ang kaliwang braso ng misis ng biktimang sa Madelyn habang tumakas naman ng gunmen.