College student nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpasalubong kay kamatayan ang 2nd year college student matapos itong magbigti sa boarding house sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang nag-suicide na si Joofer Adrianne Mondalo, estudyante sa Holy Child College at nakatira sa Purok-1, Barangay Lactudan sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur. Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima matapos itong bisitahin ng kaniyang pinsan na si Jason Pepino sa ikatlong palapag ng boarding house na sinasabing pag-aari ni Mauro Estevez sa Guingona Subd. Bago ang insidente ay ilang araw na umanong halos hindi kumikibo ang biktima na tila may malalim na iniisip.

 

Show comments