Jeepney hulog sa bangin: 7 grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pito-katao ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa ang pampasaherong jeepney sa malalim na bangin sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Tara, bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng umaga. Kaagad naman naisugod sa Sipocot District Hospital ang mga biktimang sina Mario Bico, 37; Leonardo Macatangay, 62; Maribel Bico, 36; Florencia Linao, 42; Genalie De Guzman, 26; Jenny Mallafre, 60; at si Norlita Enriquez,46, pawang nakatira sa Barangay Caima. Sa ulat ng pulisya, bumabagtas ang jeepney (DGC 854) ng mga biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Bico pagsapit sa pababang bahagi highway kung saan nagtuluy-tuloy sa may 10 talampakang taas na bangin. Sinaklolohan naman ng ilang residente ang mga biktima na patungong bayan ng Sipocot mula sa bayan ng Lupi.

 

Show comments