Kagawad kakandidato, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“  Pinaniniwalaang may kaugnayan sa nalalapit na barangay elections ang pamamaslang sa isang barangay kagawad na muling kakandidato matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Centro East, Santiago City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni PSupt. Albert Baggayan ang biktima na si Kagawad Rafael Martinez, 47, dating barangay chairman at sinasabing planong bumalik sa kanyang dating posisyon sa gaganaping halalang pambarangay.
 Nabatid na bumaba sa traysikel ang biktima matapos itong makipaglamay sa burol ng namayapang kaibigan sa Brgy. Buenavista nang lapitan at ratratin ng gunmen na lulan ng motorsiklo.

 

Show comments