Negosyante, magsasaka itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang pinabulagta ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong magkahiwalay na karahasan sa Camarines Norte at Albay kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Gina Fernandez, 45, negosyante, ng Purok 4, Barangay Tugos sa bayan ng Paracale, Camarines Norte; at Adan Olano, 48, magsasaka, ng Barangay Sinungtan sa bayan ng Guinobatan, Albay. Sa ulat ng pulisya, si Fernandez ay pinagbabaril sa trangkahan ng kanyang bahay bandang alas-7:30 ng gabi. Samantala, Olano naman na nanonood ng telebisyon sa bahay kasama ang kanyang pamilya nang pasukin at pagbabarilin bandang alas-7 ng gabi.

 

Show comments