^

Probinsiya

P1.8-M shabu nasamsam sa drug bust

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa  P1.8 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang lala­king hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa Davao del Sur.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr. nakumpiska ang may  200 gramo ng shabu sa dalawang suspek na sina Emran M. Paidomama, alyas Manan Rakim, 37 ng  Semba, SPDA, Datu Odin, Sinsuat at Hasmorin D. Kasim, alyas Pañero, 28, ng Parang, pawang sa Maguindanao.

Naaresto ang dalawa matapos makipagkasundong magbenta ng shabu sa isang  poseur-buyer sa Quezon Avenue, Digos City, Davao del Sur. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng 50 piraso ng tig P1,000 mula sa mga suspek .

Sinampahan na ang dalawa ng kaso sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARTURO CACDAC

DATU ODIN

DAVAO

DIGOS CITY

DIRECTOR GENERAL USEC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

EMRAN M

HASMORIN D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with