Utol tinadtad ni kuya

MANILA, Philippines - Dahil sa malalim na alitan, pinagsasaksak ng isang 54 anyos na mister ang nakababata nitong kapatid na lalaki sa Balangasan District, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Namatay noon din ang biktima na si Nonito Sandot, 48, may-asawa, ng Brgy. Buenavista  ng lungsod dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap sa kasong pagpatay ang kapatid nitong si Florencio Sandot na naaresto ng pulisya, isang oras matapos isagawa nito ang krimen.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-5:05 ng hapon nang lasing na nagtungo ang biktima sa tahanan ng kaniyang ka­patid na babae na si Ofelia Lamerosa, 44, habang suspek ay nanonood naman ng telebisyon.

Nagsalita umano ng masama ang biktima sa kaniyang kapatid na babae na ikinagalit ng suspek na may kinikimkim na matinding galit dahil sa inggitan sa kanilang pamilya.

Agad na kumuha ng pata­lim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

 

Show comments