5 pulis sinibak dahil sa droga

KORONADAL CITY, South Cotabato, Philippines – Limang pulis sa Region 12 na sinasabing nagpositibo sa droga ang sinibak na sa serbisyo matapos ang isinagawang random drug test, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay S/Insp. Benjamin Mauricio Jr., head ng Police Regional Public Information Office 12, kabilang sa mga pulis na nagpositibo sa illegal na droga ay sina P01 Jennie Barredo, PO1 Kadil Masahod, kapwa nakatalaga sa Sultan Kudarat PNP provincial office; PO2 Arnold Sua, PO1 Marvin Madrid, kapwa nakatalaga naman Gen. Santos City PNP; at si PO3 Alex Dolormente ng Koronadal City PNP. Ayon kay Mauricio na ni-relieve na ang mga pulis matapos na isinailalim sa proceedings at pansamantalang dinala sa PNP-12 Personnel Holding Unit sa Tambler, Gen. Santos City.

Show comments