9 tiklo sa shabu tiangge

SOUTH COTABATO, Philippines - Kulungan ang bagsak ng siyam-katao matapos maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa tinatawag na shabu tiangge sa Barangay Kematu, bayan ng T’boli, South Cotabato noong Lunes ng hapon. Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay ang magka-live-in na may-ari ng shabu tiangge  na sina Nora Falle, at alyas Ryan. Ayon kay P/Supt. Jemmuel Siason, OIC ng T’boli PNP, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Mario Casales ng Norala Municipal Trial Court ay sinalakay ng pulisya ang nasabing lugar. Arestado ang siyam-katao na pawang minero at nag-eempake ng shabu. Batay sa report, tinatayang aabot sa P206, 800 ang halaga ng nakumpiskang droga sa nasabing operasyon.

Show comments