2 tatay nagharakiri

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang tatay na sinasabing desperado sa kanilang pamilya matapos magsaksak sa sarili sa naganap na magkahiwalay na insidente ng suicide sa mga bayan ng Gattaran at Rizal sa Cagayan kamakawala.
 Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Emil Cammayo, 33, ng Barangay Aggigicam, Gattaran; at Alex delos Reyes, 39, ng Barangay Poblacion sa bayan ng Rizal.
 Lumalabas sa imbestigasyon na umuwing lango si Cammayo at pinagbantaang papatayin ang kanyang mag -ina.
 Gayon pa man, humagulgol ang biktima at pinagsasaksak nito ang sarili sa harapan ng kanyang nagulantang na mag-ina.
 Samantala, lango rin sa alak si Delos Reyes na umuwi kung saan nagsaksak sa sarili sa harap ng kanyang 10-anyos na anak na babae dahil sa problema sa pamilya.

Show comments