CAVITE , Philippines – Pinaniniwalaang napagtripang saksakin at gilitan ang 16-anyos na tinedyer ng ilang kabataang lango sa droga sa bahagi ng Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Natagpuan sa gilid ng kalsada sa tapat ng isang subdivision ang nakahandusay na bangkay ng biktimang si John Errand Songalia ng Blk 11 Lot 7 Likha Village sa nabanggit na barangay. Ayon kay P02 Robertson Vallejo, huling namataang buhay ang biktima bandang alas-10 ng gabi matapos itong magpaalam sa kanyang tiyuhin na may pupuntahang kaibigan subalit hindi na nakauwi.