Fish vendor tiklo sa droga

KIDAPAWAN CITY , Philippines   - Kulungan ang binagsakan ng isang misis na fish vendor matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagtutulak ng bawal na droga sa loob ng pamilihang bayan ng Kidapawan City kahapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Zoraida Pocot kung saan bukod sa paglalako ng mga isda sa palengke, may sideline rin itong pagbebenta ng shabu. Nabatid na may ilang linggong sinubaybayan si Pocot matapos makatanggap ng ulat na nagtutulak ng shabu habang nagtitinda ng isda sa palengke.  Sa ngayon tiniktikan na rin ng pulisya ang ilan pang kasamahan ng suspek sa palengke na nagpapakalat ng droga. Nasamsam kay Pocot ang dalawang plastic sachet ng shabu at marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Show comments