Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang itinuturong asset ng pulisya ng hindi pa nakilalang salarin na pumasok sa tahanan nito sa naganap na insidente sa Sitio Bliss, Brgy. Balide, Aurora, Zamboanga del Sur kamakalawa. 

Kinilala ang biktima na si Luther Tecson, 42, may-asawa at residente ng naturang lugar, agad na binawian ng buhay sa tinamong tama ng bala sa ulo. 

Sa ulat, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-7 ng umaga. 

Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang gunman na walang pasintabing sumilip sa nakabukas na pintuan ng tahanan ng biktima saka pinagbabaril ito. Patuloy naman ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

 

Show comments