2 dedo sa karambola ng 3 bike

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Evangelista Road sa Barangay Digan, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na sina Jerald Saplot, 24; ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City; at Mark Lowie Nazareno, 24, ng Brgy San Nicolas 3, habang kritikal naman si Edward Trinidad, 31, ng Las Piñas City. Ayon kay PO3 Romar Sinnung, wala naman nakasaksi sa insidente kung saan pinaniniwalaan na masyadong mabilis magmotorsiklo ang tatlo kaya nawasak ang tatlong sasakyan.

 

Show comments