MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 3,000 sako ng mga smuggled na bigas ang nasabat sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad sa pantalan ng Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nasabat ang mga ipinuslit na bigas sa Philippine Ports Authority Wharf sa nabanggit na lungsod. Nabatid na naispatan ng task force ni P/Senior Insp. Odessa Rubia Yaral ang sasakyang pandagat na naglalaman ng saku-sakong bigas ng inspeksyunin ay walang maipakitang legal na dokumento para ibiyahe sa Zamboanga City. Sa beripikasyon, lumilitaw na pag-aari ni Hadja Nur-in Said ang M/L Anraiza, ng Brgy. Tulay, Jolo Sulu na ang skipper ay isang Kee Dugasan.