BATAAN, Philippines – Siyam na batikang mountaineers kabilang ang dalawang babae na sinasabing na-trap sa Mt. Tarak Ridge sa bayan ng Mariveles, Bataan sa loob ng tatlong araw ang nasagip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Phil. Army kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Audie Atienza, Bataan PNP director, ang mga nasagip na sina King Andrew Oliva, Michael Reyes, Vincent Lopez, Kevin Desiderio, Jerry Sumala, Bernard Bautista, Lester Comoda, Mary Joy Cading at si Maria Alelie Etesan. Sa ulat ni Teresita Señora, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Managemnt Office, msgkakasamang umakyat sa Mt. Tarak Ridge ang mga biktima noong Sabado ng umaga pero inabot ng bagyong Labuyo. Natagpuan ang mga biktima sa loob ng kani-kanilang tent malapit sa matandang punungkahoy.