Lider ng kandidato itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Napatay ang 56-anyos na dating lider ng talunang kandidato noong nakalipas na eleksyon makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Nabasagan, bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng hapon. Base sa police report,  nagmomotorsiklo ang biktimang si Crisanta Odena patungong Barangay Poblacion nang harangin at ratratin pagsapit sa nabanggit na barangay. Nabatid na si Odena na isang biyuda ay sinasabing masugid na tagasuporta ng talunang kandidato sa kanilang bayan noong nakalipas na halalan at tumatayong lider sa kanilang barangay. Samantala, natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa gunman na ngayon ay tugis.

Show comments